Upang iangat ang kabuhayan ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng pagkakakitaan, nagdaos ang Marikina City Government, katuwang ang SM Shopping Malls, at Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang job fair, bilang bahagi ng nationwide celebration ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Mismong sina Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, kasama sina SM Marikina Manager Francis Brian Cruz, at DOLE Supervising Labor and Employment Officer, Engr. Roberto Chavez Jr., ang nanguna sa pagbubukas ng job fair sa SM City Marikina nitong Lunes, Hunyo 12, na nilahukan ng mahigit sa 30 kumpanya.

“Today as we celebrate the Philippines’ 125th Independence Day, we are simultaneously holding this job fair for everybody so we could be liberated from poverty through job,” ayon kay Mayor Teodoro.

“Sa ating lahat na naririto, ang pag-asa ang hindi dapat mawala, patuloy lang tayo na magsikap,” anang alkalde.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ikinatuwa rin naman ng alkalde na matapos lamang ang ilang minuto mula ng buksan ang job fair ay isang lalaking aplikante na ang na-hired on the spot ng isang BPO company.

Pinasalamatan din naman ng lokal na punong ehekutibo ang pamunuan ng SM Marikina at ng DOLE dahil sa pagiging partner ng Marikina sa kanilang commitment na makapagbigay ng trabaho sa mga residente, gayundin ang lahat ng mga kumpanyang lumahok sa job fair.

“Salamat sa SM Marikina—to all SM in the country sapagkat sila ay tumutulong at tunay na partner ng ating pamahalaan at ng ating bayan para sa pagbabago at sa pag-unlad. This is the second major job fair that we are conducting in the city of Marikina,” anang alkalde.

Matatandaang sa selebrasyon ng Labor Day noong Mayo 1, nagdaos din ang tanggapan ni Marikina City First District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro, katuwang ang lokal na pamahalaan ng simultaneous job fairs sa SM Marikina at sa city hall.