Lumakas pa ang bagyong Chedeng habang nasa Philippine Sea nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunman, binanggit ng PAGASA sa kanilang Sa 5:00 am weather bulletin, posibleng hindi makaranas ng matinding pag-ulan ang bansa sa susunod na limang araw.

Huling namataan ang bagyo 1,060 kilometro silangan ng timog silangan ng Luzon o sa bahagi ng Philippine Sea, dala ang hanging 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong 90 kph. Kumikilos pa rin ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

“Owing to favorable environmental conditions, Chedeng is forecast to intensify in the next three to four days and may be upgraded to a severe tropical storm category tonight or tomorrow and into a typhoon on Thursday,” anang PAGASA.

Paliwanag ng PAGASA, kahit malayo pa sa kalupaan ng bansa ang bagyo, dapat pa ring maging alerto ang publiko dahil posibleng palakasin nito ang southwest monsoon o habagat.

“Although the current forecast scenario for this tropical cyclone may result in the enhancement of the southwest monsoon (habagat), the timing and intensity of monsoon rains over the country, especially in the western portion may still change due to the dependence of monsoon enhancement on the forecast movement and intensity of Chedeng and its interaction with the other weather systems surrounding it,” sabi ng ahensya.

Posible ring makaranas ng landslides o flash floods sa malaking bahagi ng bansa, lalo na kung magkaroon ng pag-ulan.

Wala pang warning signal ng bagyo habang ginagawa ang balitang ito.

Ito na ang ikatlong bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong taon.

Ellalyn de Vera-Ruiz