Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), nitong Lunes, na handa na ang mga local government units (LGUs) sa rehiyon para sa posibleng impact ng bagyong Betty.

Ayon kay Zamora, noong Miyerkules pa ay pinaghandaan na ng mga lokal na pamahalaan sa MM ang posibleng paglakas ng southwest monsoon o “habagat” dulot ng bagyo, na inaasahang maghahatid ng 24-oras na malalakas na pag-ulan sa rehiyon sa mga susunod na araw.

Aniya, nagpatawag na siya ng pulong kasama ang mga opisyal ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa San Juan, gayundin sa regional level sa MM para pag-usapan ang mga preparasyong gagawin, kahit inaasahang hindi direktang tatama ang bagyo sa rehiyon.

Sinabi ni Zamora na nasa kabuuang 423 na mabababang lugar sa Metro Manila na tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang maaaring maapektuhan ng bagyo, kaya’t mahigpit nilang imu-monitor ang mga ito.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Noon pa aniyang Biyernes ay naimpormahan na nila ang mga alkalde hinggil dito.

Maging ang mga pumping stations sa mga rehiyon at mga relief goods na ipapamahagi sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo ay hand ana rin aniya.

Lahat rin aniya ng LGUs sa rehiyon ay naghanda na ng mga rescue boats, mga sasakyan, at maging emergency equipment.

Pinayuhan rin ni Zamora ang mga residente na maging disiplinado at ayusin ang pagtatapon ng basura dahil ang mga bumabarang basura sa mga kanal at iba pang daanang-tubig ang karaniwan aniyang dahilan ng mga pagbaha sa Metro Manila.