Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng umaga, Mayo 28, na humina ang takbo ng Typhoon Betty na kumikilos pakanluran sa Philippine Sea sa silangang bahagi ng Northern Luzon, habang nananatili umano sa Signal No. 1 ang 12 probinsya sa Northern Luzon.

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng umaga, nananatiling nakataas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

  1. Batanes
  2. National

    Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

  3. Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  4. Isabela
  5. Apayao
  6. Ilocos Norte
  7. Hilaga at gitnang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong, Danglas, La Paz, Dolores, Tayum, Bucay, Sallapadan, Daguioman, Bucloc, Boliney)
  8. Kalinga
  9. Silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Sadanga, Barlig, Natonin, Paracelis, Bontoc)
  10. Silangan at gitnang bahagi ng Ifugao (Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista, Banaue, Hingyon, Lagawe, Lamut, Kiangan, Asipulo)
  11. Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  12. Quirino 
  13. Hilagang-silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)

Posible umanong masimulan ang epekto ng malakas na hangin mamayang gabi o bukas, Lunes ng umaga, Mayo 29.

Namataan umano ang mata ng Typhoon Betty 715 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan na may maximum sustained winds na 175 kilometer per hour at pagbugsong 215 kilometer per hour.

Ayon pa sa PAGASA, humina ang Typhoon Betty habang kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometer per hour.

“Wind Signal No. 2 remains the most likely highest wind signal that will be hoisted, while Wind Signal No. 3 remains the reasonable worst-case scenario,” anang PAGASA.

Matatandaang ibinaba na ng PAGASA ang bagyong Betty sa kategoryang ‘typhoon’ mula sa ‘super typhoon’ nitong Sabado ng gabi, Mayo 27.

MAKI-BALITA: Bagyong Betty, ibinaba na sa ‘typhoon’ category