Talavera, Nueva Ecija -- Hindi bababa sa pitong drug traders, tatlo sa kanila ay menor de edad ang arestado ng mga awtoridad nitong Sabado, Mayo 20.

Bandang alas-7 ng gabi, nagsagawa ng Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation ang mga elemento ng Talavera Police Station sa Barangay Pagasa, Talavera, Nueva Ecija na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong menor de edad na estudyante na pawang mga residente ng Barangay Dolores, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Nasamsam sa mga operasyon ang humigit-kumulang 6 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang Dangerous Drug Board Value na Php1,500.00.

Arestado din ang apat na iba pang drug traders sa mga parehong operasyon ng mga elemento ng Zaragoza Police at Talavera Police.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nasamsam din sa mga operasyon ang 1.9 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang DDB Value na P12,920.00

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.