Mawawalan suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Maynila at Quezon City dahil sa network maintenance simula Mayo 22 hanggang 27.

Sa pahayag ng Maynilad Water Services nitong Sabado, ang mga lugar sa Caloocan City na mawawalan ng water supply simula 11:00 ng gabi ng Mayo 22 hanggang 4:00 ng madaling araw ng Mayo 23 ay kinabibilangan ng Barangay 28, 31 at 35 (Dagat-Dagatan Extension corner C3); Brgy. 41 hanggang 45 (2nd Avenue (west) corner Rizal Avenue); Brgy. 28 at 31 (Tuna corner Taksay Street).

Dakong 11:00 ng gabi ng Mayo 23 hanggang 4:00 ng mad

Sa Mayo 24 (dakong 11:00 ng gabi) hanggang Mayo 25 (dakong 4:00 ng madaling araw), putol din ang suplay ng tubig sa Brgy. 25, 29, 30 at 32 hanggang 35 (A. Mabini corner Dimasalang).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kasama rin sa maaapektuhan ang Brgy. 132 at 133, Brgy. 99 hanggang 100 (Jasmin corner 11th Avenue) simula 11:00 ng gabi ng 25 hanggang 4:00 ng madaling araw ng Mayo 26.

Pansamantala ring mapuputol ang suplay ng tubig sa Brgy. 46 hanggang 51 sa 4th Avenue corner Rizal Avenue simula 11:00 ng gabi ng Mayo 26 hanggang 4:00 ng madaling araw ng Mayo 27.

Magkakaroon din ng water supply interruption sa Brgy. Potrero, Malabon City at Gen. T. de Leon at Karuhatan sa Valenzuela

City dakong 10:00 ng gai ng Mayo 23 hanggang 6:00 ng umaga ng Mayo 24.

Sa Navotas City, apektado rin nito ang Brgy. San Jose, San Roque at Tangos dakong 11:00 ng gabi ng Mayo 23 hanggang Mayo 24 (dakong 4:00 ng madaling araw).

Makararanas din ng pagkawala ng supply ng tubig sa Brgy. 383, 384, 388, 390 hanggang 394, Quiapo, 395 hanggang 397 at 400 hanggang 404, at Sampaloc sa Maynila dakong 11:00 ng gabi ng May 23 hanggang May 24 (dakong 4:00 ng madaling araw).

Sa Quezon City, pansamantala ring mapuputol ang suplay ng tubig sa Brgy. Sauyo (Greenville corner Mozart) dakong 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga ng Mayo 23; Brgy. Commonwealth, Greater Fairview, North Fairview at Sta. Monica (North C).

Philippine News Agency