Nanguna sa charts worldwide ang hit single ni Nigerian young rapper Rema na "Calm Down", ayon sa Guinness World Records (GWR).

Sa ulat ng GWR noong Mayo 15, humakot na ang "Calm Down" ng halos 388,000,000 streams sa Spotify, habang ang viral remix nito kasama ang US artist na si Selena Gomez ay nakakuha na ng 717,512,920 streams sa naturang music platform.

Ayon sa GWR, gumawa ng kasaysayan ang nasabing 2022 international hit nang umakyat ito sa pagiging kauna-unahang No.1 hit sa The Official MENA (Middle East and North Africa) Chart.

Inanunsyo ng IFPI (Federation of the Phonographic Industry) noong Nobyembre 29, 2022 na ang “Calm down” nga ni Rema ang kauna-unahang nanguna sa MENA music streaming chart.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Ang Official MENA chart ay isang regional platform na inilunsad kamakailan upang maipagdiwang umano ng music fans ang mga nangungunang streaming track kasama ang regional top 20 tracks “on a weekly basis.”

“Announced every Thursday, the weekly Top 20 collects data from 13 MENA countries, covering a population of more than 300 million people combined,” anang GWR.

Minomonitor umano ng naturang platform ang Algeria, Bahrain, Egypt, Iraq, Jordan, Kuwait, Lebanon, Morocco, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Tunisia at United Arab Emirates.

Bukod dito, sinusubaybayan din ng regional chart ang lahat ng pangunahing streaming platform sa lahat ng oras ang YouTube, Deezer, Spotify at Apple Music, dahil layunin umano nilang maging inklusibo hangga't maaari.

“The platform also allows users to follow artists and record labels, to keep up with their favourite names as well as with the most recent trends,” saad pa ng GWR.

Nagpahayag naman si Rema ng pasasalamat nang marinig na ang awitin nga niya ang naging kauna-unang No.1 hit sa Official MENA Chart.

“I’d like to thank all of my fans across the region who streamed 'Calm Down' and helped it to become the first ever Official MENA Chart #1,” ani Rema sa website ng IFPI.

I am so happy that you are enjoying the song and very proud to be the first artist to reach #1. Thanks also to the team at my label for their support,” dagdag niya.

Sa pagdiriwang ng launching ng MENA chart ay binati naman ni IFPI CEO Frances Moore si Rema.

“I’d like to congratulate Rema on becoming the first ever MENA #1. 'Calm Down' is a song which has clearly captured the imagination of fans across the region,” aniya.