Iginawad ng Guinness World Records (GWR) ang isang record title sa isang lalaki mula sa New Jersey, matapos umattend ng 86 concerts sa loob lamang ng taong 2022.

Sa ulat ng GWR, ang Monroe Township man na si Joshua Beck ay kinilala bilang “most concerts attended in one year” dahil sa kabuuang bilang ng nadaluhang concert noong nakaraang taon.

Bata pa lamang ay mahilig na raw si Beck na manuod ng concerts lalo na’t isa sa favorite hobbies daw niya ang makinig ng music.

“I grew to love the atmosphere of the shows and the common purpose that brought everyone together - to enjoy the music,” ani Beck sa GWR.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ilan sa mga concert na na-witness niya sa naturang taon ay ang Tool, Rammstein, Ry X, Dying Wish two times, at The Ocean.

Noong Agosto 2022 pa lamang, mahigit 30 concerts na raw ang nilahukan ni Beck, kaya’t naisipan na raw niyang tingnan kung ilang concert ang naattendan ng kasalukuyang record holder para sa “most concerts attended in one year” sa GWR noong panahong iyon.

Nang makitang 65 concerts ang nalahukan ng dating record holder, pinlano na raw niya kung paano ito lalampasan para maging bagong record holder ng nasabing titulo.

Dahil sa palagay niya ay makikita ng ibang sobra-sobra ang dami ng mga concert na kaniyang dinadaluhan, sinabi ni Beck na nasa 15 concerts lamang ang nadaluhan niya kasama ang kaniyang fiance at ibang kaibigan, habang ang mga natitirang marami pang concert noong 2022 ay dinalunan na niya nang mag-isa.

Tinatayang $5,000 (£3,964.90) umano ang nagastos ni Beck sa mga tiket ng concert at karagdagang $1,500 (£1,189.47) para sa gas, toll, pagkain, at inumin.

Sinisiguro na raw niyang mayroon siya full meal bago ang show dahil siguradong mahal daw ang mga pagkain sa venue.

Nakagawian na rin niyang agahang umattend sa concerts para makapili ng magandang puwesto.

“While I’m there, I make sure to capture at least one full song on my phone using 4K 60 FPS video where I will later upload it to my YouTube channel. These videos serve as something to remember the concert by years later,” saad ni Beck.

Mayroon din daw siyang Excel spreadsheet kung saan nakatala ang listahan ng mga concert na nadaluhay niya mula noong 12-taong gulang pa lang siya.

“For me, concerts are the best place to do so,” saad ni Beck. “Live music feeds the soul in ways nothing else can. It’s a chance to slow down and enjoy the simple pleasures of life.”