Nagbubunyi ang industriya ng original Pinoy music para kay “Hugot Queen” Moira Dela Torre matapos maabot nito kamakailan ang isang bilyong stream sa music platform Spotify.
Reynang-reyna si Moira sa kaniyang panibagong online digital record na kaliwa’t kanang ipinagdiwang ng music producer, at record labels sa bansa.
Ayon sa Chart Data PH, si Moira lang ang nag-iisang OPM artist na nakaabot ng billion milestone sa kilalang streaming app.
Kabilang sa mga bumati sa singer-songwriter ang Republic Records Philippines nitong Lunes, Mayo 15.
“#Moira is the only Solo Female Filipino Artist who surpassed 1 billion Spotify streams across all credits, ” mababasa sa kanilang Facebook post.
Nagpaabot din ng pagbati ang ABS-CBN Music Creative Director na si Jonathan Manalo sa panibagong career feat ni Moira.
“✨Congratulations to Moira Dela Torre for being the ONLY FEMALE ARTIST to surpass 1 BILLION @SPOTIFY_PH STREAMS! ✨” mababa sa Instagram post ni Manalo ngayong Miyerkules.
Si Manalo ang producer ng chart-topping hit na “Babalik Sa’yo” ng singer na kasalukuyang nasa 63.9 million streams na sa Spotify.
Kabilang pa sa mga kanta ni Moira na milyong-milyon nang napakinggan sa parehong platform ang “Kumpas” na mayroong 55.6 million streams, “Tagpuan” na mayroong 111.8 million streams, “Paubaya” na mayroong 80.8 million streams, “Before It Sinks In” na mayroong higit 56 million streams, “Ikaw At Ako” na mayroong higit 102 million streams bukod sa maraming iba pa.
Noong Linggo, Mayo 14, isang concert treat din ang naging handog ni Moira sa Asap Natin 'To kung saan kinilala nga ang singer para sa kaniyang matagumpay na concert series sa bansa at sa abroad kamakailan, gayundin ang kaniyang latest digital music milestone.
Noong 2022, si Moira rin ang itinanghal na most streamed Filipina artist sa annual Spotify Wrapped.
Basahin: Moira Dela Torre, reyna pa rin ng OPM sa Spotify ngayong 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid