"I was aware of everything, just like a normal person"

Tila katulad ng mga nasa palabas ang ibinahaging karanasan ng isang lalaki matapos ma-coma ng 12 taon dahil sa kondisyon na hanggang ngayo'y hindi pa rin matukoy ng mga doktor.

Isang lalaking South African ang nagngangalang Martin Pistorius ang na-coma nang siya ay 12 taong gulang, sa loob ng 12 taon kung saan siya ay umabot sa puntong “vegetative state” o patuloy na nag-fafunction ang katawan ngunit kaya lamang nilang buksan ang mga mata at magmukhang gising ngunit hindi sila makapagsalita o di kaya’y magbigay reaksyon.

Dahil dito, unti-unting inalis ng kondisyon ang kaniyang motor functions. Maski ang mga doktor ay walang ideya kung ano ang nakakaapekto sa lalaki, at sa huli ay na-comatose ito.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa interbyu niya sa Invisibilia, yon sa kaniyang mga magulang, si Martin ay isang malusog na batang lalaki, kuwento nila na nasa paaralan si Martin nang bigla siyang magkaroon ng sakit sa lalamunan. Pinauwi siya ng kaniyang mga guro para magpagamot at umaasang babalik kaagad.

Ang namamagang lalamunan na ito ay lumala, at nawalan ng boses si Martin. Saka lamang na-alarma ang pamilya nang magsimulang makaranas ng matinding pagkapagod si Martin. Hindi nagtagal, na-comatose siya ng apat na taon nang para raw siyang "patay"..

Bagaman isa sa mga pinaghihinalaan ay "cryptococcal meningitis," isang impeksyon na kumakalat mula sa baga hanggang sa utak ay hindi pa rin matukoy kung ano ang nangyari sa kaniya.

Pagdating sa edad na 16, nagsimula bumalik ang kaniyang kamalayan. Paralisado pa rin siya maliban sa kaniyang mga mata, at ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay hindi napagtanto na siya ay may malay.

At pagdating naman ng edad na 19 ay dito na siya nagkamalay nang tuluyan at naririnig na rin ang lahat ng bagay sa paligid niya. Batid din niyang ipinagpatuloy ng kaniyang pamilya ang kanilang buhay nang wala siya.

Kuwento niya, para raw nasa sariling bilangguan ang katawan "spirit" nang kaniyang tawagin. Para raw siyang hindi nakikita ng lahat ng tao sa paligid niya. Ang karanasan ni Martin ay maihahalintulad sa "Sleeping Beauty" mula sa fairy tale, mas naunang magising ang isip kaysa sa kaniyang katawan.

“I was aware of everything, just like any normal person. Everyone was so used to me not being there that they didn’t notice when I began to be present again. The stark reality hit me that I was going to spend the rest of my life like that – totally alone.”

Matapos gumugol ng maraming taon sa pagtitiyaga sa huli ay gumaling si Martin. Matapos nito, ikinuwento niya ang nangyaring karanasan sa TV o radyo.

Nagsimulang bumuti ang kanyang kalagayan, at kalaunan ay natutunan niya kung paano gumawa ng mga website at nagtapos sa Unibersidad. Siya ngayon ay may sariling negosyo bilang isang web designer at may asawa na.

Nakagawa rin siya ng sariling libro na autobiography at pinamagatang, "Ghost Boy: The Miraculous Escape of a Misdiagnosed Boy Trapped Inside His Own Body (2011)"