Tila may patutsada ang komedyana at TV host na si Pokwang sa mga kamag-anak ng anak na si Malia sa US, ayon sa latest Instagram post nito.

Nagpasalamat si Pokie sa kaniyang followers at supporters na nagbibigay ng kung ano-anong abubot gaya ng damit para sa anak nila ng American actor at ex-partner na si Lee O'Brian kahit hindi nila kadugo.

Dito na sumundot ng pasaring si Pokwang. Aniya, ni lampin o bigkis na magagamit niya kay Malia bago siya manganak noon, wala man lamang daw naiabot sa kaniya ang mga kaanak nito sa US, na nangangahulugang mga kadugo naman ni Lee O'Brian sa kaniyang side.

Mababasa sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 15, "Thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi sya naaalala kahit sa maliit na bagay ❤️🙏🏼 mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA 🇺🇸 how ironic may kamag-anak sya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now waley hahahahahhaa iba din ano?"

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nakakarelate ako. Katibay ng dibdib ng mga ganyan lalaki at pamilya. Kaya doble doble ang sikap ng mga single mother like us. Pero nakakaproud bilang babae na kayanin ang lahat para sa anak."

"Ma…… @itspokwang27 napaiyak mo ako dito 🥹 🥹 kahit bigkis wala, pero may pang cheers and tables.. Malia is loved by genuine people and deserves to be loved."

"Hello miss pokwang!!! Be happy na Lang Po.. stop being so negative thank you just a little advice."

"Wala yata sa culture nila as a family and also as a person ang culture ng regalo… pero madaming interracial couple na Pinay na kahit papaano both sides iniintindi at nakikisalamuha yung banyaga sa kultura ng asawa/partner niya… mapa-food, pera and culture of giving gifts. Ang weird lang nya na since birth ni Tisay ikaw lahat napapansin na ng viewers mo pinagtatanggol mo pa dati lol buti na umpog ka na for now bitter ka pa talaga pero sooner or later pagtatawanan mo na lang ang sakit."