Bumisita sa Cambodia sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senador Christopher “Bong” Go, at Senador Francis Tolentino upang ipakita umano ang buong suporta ng Senado sa lahat ng mga atletang Pinoy sa Southeast Asian (SEA) Games.
Sa isang ambush interview noong Biyernes, Mayo 12, sinabi ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports, na personal silang nagtungo sa naturang bansa upang palakasin pa ang loob ng mga Pilipinong atleta na sasabak sa laro.
“Sana po ay humabol tayo. Kilala naman po ang Pilipino na lumalaban. Pusong Pinoy po ‘yan. Go Philippines! Go, go, go for gold!” saad ni Go.
Nakipagpulong din umano ang mga senador sa mga Pilipinong atleta at coach, at binigyang-diin ang kahalagahan ng sports sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga bansa.
Ang SEA Games ay isang multi-sport event na nagaganap kada dalawang taon, kung saan lumalahok sa iba't ibang sports competition ang mga atleta mula sa 11 Southeast Asian countries.
Ngayon taon ay nagbukas ang SEA Games noong Mayo 5 at mtatapos sa Mayo 17.