Iminungkahi ng isang kongresista na dagdagan pa ang bilang ng mga mahistrado ng Court of Appeals (CA) dahil sa mga nakatambak na kaso.

Sa ngayon ay nasa 69 ang bilang ng mga mahistrado at nais ni Cavite Rep. Rep. Ariela Tolentino na gawing 78.

Ang hakbang ni Tolentino ay nakapaloob sa House Bill 4033 na may layunin ding makalapit kaagad sa CA ang mga may asunto o usapin sa iba't ibang rehiyon sa bansa.

"The proposed bill is crucial to expedite judicial processes and ensure that the rights of litigants are protected. We need to keep up with the changing times and make sure that our judiciary system can handle the increasing number of cases in an efficient and effective manner,” paglilinaw pa ni Tolentino.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Philippine News Agency