Kung opinyon daw ng kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas na si Gloria Diaz ang tatanungin at hihingin, hindi siya pabor na sumali ang mga may asawa o may anak sa naturang prestihiyosong beauty pageant.

Matapang na pahayag ni Diaz, sana raw hindi na lang "Miss Universe" ang itawag dito kung gayon. Natanong kasi ang Miss Universe 1969 kung pabor ba siyang pasalihin na ang mga may asawa at anak sa naturang pageant, dahil ganito na ang magiging kalakaran sa 72nd Miss Universe na gaganapin sa El Salvador, ayon sa ulat ng PEP.

“Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss 'yon, 'di ba?” anang Gloria sa story conference ng pelikulang "Lola Magdalena" noong Abril 30, 2023 na ginanap sa Max’s restaurant, Sct. Tuason St., Quezon City.

“Dapat ‘Universe’! Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, no? Pero my personal opinion — which is not to be taken in the negative way — dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe," paglilinaw pa ng 72-anyos na aktres-beauty queen.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganiyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Ok lang 'yon!”

So, mas bet ni Miss Gloria na bukod-bukod na lang. Baka nga naman "magkatalbugan" pa.

“Dapat kaniya-kaniya! Oh sige, 'di at least it gives people more chances, 'di ba? Kasi, you’re representing this country. Eh, kung may mas magandang babae, o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny. Kasi I’ve been a judge sa Super Sireyna (segment sa Eat Bulaga). Ang gaganda talaga nila! At talagang palaban! Kaya nilang magsirko-sirko diyan, 'di ba?”