Sisimulan na ang implementasyon ng single-ticketing system (STS) sa Metro Manila sa Mayo 2, ayon sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes.

Paliwanag ni MMDA spokesperson Melissa Carunungan, ang sistema ay ipaiiral muna sa pitong lugar sa National Capital Region (NCR) upang madetermina ang mga kulang nito bago tuluyang ipatupad sa rehiyon.

Kabilang sa mga naturang lugar angManila City, Quezon City, Parañaque City, Muntinlupa City, Caloocan City, Valenzuela City, at San Juan City.

“Ito ay magiging malaking ginhawa para sa mga motorista dahil sa loob ng single ticketing system, ang top 20 most common traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCash, Maya, at Landbank,” sabi ni Carunungan.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Idinagdag pa ni Carunungan na magpapakalat sila ng 900 na tauhan para sa implementasyon ng sistema.