DAGUPAN CITY -- May kabuuang 19,000 trabaho para sa local at overseas employment ang iaalok ng mahigit na 100 kumpanya para sa mga taga-Pangasinan sa Labor Day jobs fair, Lunes, Mayo 1. 

Sinabi ni Justin Paul Marbella, information officer of the Department of Labor and Employment-Region 1, na magaganap ang jobs fair sa tatlong lugar sa Pangasinan: PESO Multi-purpose Hall sa Lingayen, Orbos Gym sa Poblacion Norte, Santa Barbara, at sa event center ng Magic Mall sa Urdaneta City.

Ayon kay Marbella, nakapagtala na ang DOLE-Region 1 ng 17,237 local job vacancies at 2,058 trabaho sa ibang bansa na mula sa 89 na local employers at 11 ang mula sa ibang bansa noong Abril 26.

Karamihan sa mga trabahong inaalok ay ang customer service representative, production operators, microfinance officers, service crews, at sales representatives.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinapaalalahanan ng DOLE ang lahat ng naghahanap ng trabaho na magdala ng maraming kopya ng kanilang resume at mag-pre-register gamit ang mga link na naka-post sa opisyal na Facebook page ng DOLE-Region 1.