Nais ng isang kongresista na huwag nang singilin sa bayarin sa lisensya ang mga driver ng public utility vehicle (PUV) sa bansa.

“Exempting them from paying application or renewal fees in securing professional driver’s license will greatly help in cushioning their meager income from the unabated price surge of fuel and from the adverse effects of the pandemic so that they will take home a larger disposable profit,” pahayag ni CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva nitong Lunes.

Idinahilan ni Villanueva, pawang minimum-wage earner lamang ang mga PUV driver at "mabigat na sa kanilang bulsa" kung sisingilin pa sila sa bayarin sa lisensya.

Karamihan aniya sa mga driver sa rural areas ay walang lisensya o kaya'y expired na ang mga ito dahil na rin sa mataas na singil sa pag-a-apply o pagre-renew nito.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Philippine News Agency