Pinasinayaannina Senador Lito Lapid at Manila Mayor Honey Lacuna ang bagong Infectious Disease Unit (IDU) ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Tondo, Maynila nitong Biyernes, Abril 21.

Isa si Lapid ang tumulong upang maisakatuparan ang nasabing proyekto. Naglaan ito ng P30 milyon sa Department of Public Works and Highway (DPWH) para sa IDU, na matatagpuan sa ikapitong palapag ng ospital.

Ang bagong fully air-conditioned IDU ay kayang tumanggap ng mahigit 40 pasyente. Layunin din nito na madagdagan ang kakayahan ng opstial na makapagbigay ng serbisyong medikal sa mas nakararami.

Nagpasalamat naman si Lacuna sa mga doktor, nars, at kay Lapid sa pagtatayo ng unit na mangangalaga sa kalusugan ng mga residente ng Maynila at mula sa mga karatig na lugar.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Nangako ang senador na ipagpapatuloy ang kaniyang tulong medikal sa mga mahihirap na residente na hindi kayang bayaran ang mataas na halaga ng bill sa mga pribadong ospital.