Kinuwestiyon ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon nitong Huwebes, Abril 20, kung bakit wala silang pagdinig hinggil sa inflation gayong mayroon umano para sa murder.

"Senate hearing ng murder? Bakit walang hearing ang tungkol sa inflation rate?" saad ni Guanzon sa kaniyang Twitter post.

Isa umano ang inflation sa mga pangunahing usapin noong unang taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang isinagawa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs mula Lunes, Abril 17, hanggang Miyerkules, Abril 19, ang pagdinig sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!

Inimbestigahan sa pagdinig si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. na isa sa mga tinitingnang mastermind sa kaso.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla