Nagwagi ng dalawang gold at dalawang bronze awards ang entries ng GMA Network sa naganap na New York Festivals 2023.
Masayang ibinahagi sa tweet ni GMA headwriter Suzette Doctolero na nagwagi ng bronze ang hit fantasy-historical drama series na "Maria Clara at Ibarra" sa entertainment category, at kauna-unahang Philippine soap series na nakakuha nito.
Masayang ibinahagi ng GMA head writer na si Suzette Doctolero ang magandang balita tungkol dito.
"Ayun na nga. First Phil soap series tayo na makakuha ng panalo sa NYF. Sana next time ay gold na."
"Salamat sa lahat ng mga nagmahal sa show na ito! Tayo ang kauna-unahang soap series sa Pinas na nagkamit ng medalya sa NYF, nawa ay magsilbi itong daan para sa marami pang panalo sa ibang bansa. I hope proud ka sa aming lahat, Pilipinas!
Samantala, nagwagi ng gold ang “Sugat ng Pangungulila (Wounds of Woes)" episode ng award-winning news magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)."
Gold medalist din ang episode na “Mata sa Dilim (Eye in the Dark)" ng "The Atom Araullo Specials" na unang umere noong 2022.
Nagwagi rin ang GMA Integrated News - Digital Video Lab's online newscast na Stand for Truth para sa Cultural Issues category, matapos nilang itampok ang "buya" o arranged marriage ng tribung Manobo.
Bukod dito, nakakopo pa sila ng finalist certificates para sa documentary category na shortlisted din dito gaya ng I-Witness, Born To be Wild, at Reporter's Notebook.