Aarangkada na sa lungsod ng Maynila ang pagtuturok ng second booster shot kontra Covid-19 para sa general population.

Kasunod na rin ito nang paglalabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes ng guidelines para sa 2nd Covid-19 booster shot sa general population.

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna naman ang nag-anunsiyo na sisimulan na nila ang rollout ng Covid-19 booster shots sa lungsod, sa regular na pagdaraos ng 'Kalinga sa Maynila' sa Barangay 328, Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkules.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Atty. Princess Abante, Head of Communications at Spokesperson ni Lacuna, na kabilang sa maaaring pagkalooban ng second booster shots ay general population na nasa 18-anyos pataas, gayundin ang mga buntis, nagpapasusong mga ina o lactating women, at immunocompromised individuals.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Alinsunod sa guidelines ng DOH, maaari nang magpaturok ng kanilang ikalawang booster shot, anim na buwan pagkatapos ng kanilang unang booster.

Ani Lacuna, ang 2nd booster shot ng Covid-19 vaccines ay available sa lahat ng 44 health centers sa lungsod mula Lunes hanggang Biyernes, simula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon.

Ipamamahagi ito sa pangunguna ng Manila Health Department (MHD), na pinamumunuan ni Dr. Poks Pangan.

Upang makapag-avail ng second booster shots ay kinakailangan lamang na dalhin ang QR code mula sa inyong rehistro samanilacovid19vaccine.ph.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng pamahalaang lungsod na magsama pa ng barkada o kaibigan na magpapaturok ng 2nd booster shot dahil kailangan ang anim na tao para buksan ang isang vial ng vaccine at upang hindi rin ito masayang.

Sinabi naman ng DOH na ang mga bakuna mula sa Pfizer, Moderna at AstraZeneca ang siyang gagamitin para sa 2nd booster shots.