Hinamon ni Senator Ronald Dela Rosa si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na magsalita na kaugnay sa pagkakasangkot ng mga pulis sa umano'y cover-up sa nahuling ₱6.7 bilyong shabu sa Maynila noong 2022.

“Sana sabihin niya ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa halos isang toneladang shabu,” sabi ng senador sa isang radio interview nitong Linggo.

“Ang advice ko sa kanya is humarap sa media, ilahad niya ang lahat ng kanyang nalalaman and that will put everything to rest. At ‘yung mga haka-haka, speculation about cover-up, mahihinto ‘yan pag siya nagsalita. Because he is the final say sa organization na ‘yan, siya ang head ng ahensiya, so dapat na siyang magsalita para malaman ng lahat, para matapos na ang lahat ng ispekulasyon," aniya.

Si dela Rosa ay magiging bisita ng PNP sa flag-raising ceremony nito sa Lunes, Abril 17, kaya inaasahan na ang pagkikita ng dalawa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nauna nang ipinangako ni Azurin na magbibigay ito ng pahayag sa usapin na nag-ugat sa pagkakaaresto ng nasibak na si Master Sgt. Rodolfo Mayo, Jr., nang makumpiska sa kanya ang nasabing iligal na droga sa Tondo, Maynila noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Nangako naman si PNP spokesperson Redrico Maranan na maglalabas ng pahayag si Azurin kapag nakumpleto na ang report sa pagkakaaresto ni Mayo.

Philippine News Agency