Laugh trip ang hatid ng isang social media post ng content creator na si Dr. Alvin Francisco matapos kumprontahin na ang isang scammer online.

Nitong Sabado, Abril 15, ibinahagi ni Doc Alvin ang screenshot ng usapan nila ng account na may pangalang Richard Gassy. Gamit kasi nito ang kaniyang larawan sa profile picture.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

“Who are you? Why are you using one of our doctor’s picture for your profile pic?” tanong na ng doktor sa pekeng account.

Sagot lang ng huli sa doktor: “I don’t understand.”

Aliw na nag-react naman si Doc Alvin sa tila sabaw na scammer.

“'Yung scammer ka pero mahina ka pumick-up,” benta na sey niya sa kaniyang caption sa larawan.

Nasa halos 5,000 laughing reaction na ang naturang post sa pag-uulat matapos lang ang isang oras. Ilang followers ni Doc Alvin ang nagpaalala sa online personality na mag-ingat sa mga mapagpanggap ngang online scammers.

Noong Pebrero, nauna nang nagbabala si Doc Alvin sa publiko kaugnay ng isang account naman sa kilalang dating application gamit din ang kaniyang mga larawan.

Basahin: Kilalang doktor, content creator, ginamit ang identity sa isang dating app – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kilala si Doc Alvin sa kaniyang mga health related contents na kadalasa’y nagpapaliwanag sa ilang viral na usaping pangkalusugan online.

Basahin:Maligo nang pagod? Gawaing ‘akala mo masama, pero hindi pala,’ binasag ng isang doktor – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala sa Pilipinas, para resolbahin ang isyu ng scams, nakikita ng pamahalaan ang SIM Registration Act para lipulin ang laganap na online scams sa pamamagitan ng pagsiguro sa mga lehitimong numero na kadalasa’y kinakailangan sa ilang transaksyon online.