Idiniin ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador, na ang kaniyang viral "motivational rice" ay simbolo raw ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

Ibinahagi pa ni Rendon ang kaniyang reaksiyon sa ulat ng Balita, na naloka at napakamot sa ulo ang netizens dahil sa presyo ng kaniyang single serving steamed pandan rice sa bago niyang bukas na resto.

BASAHIN: Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, ikinaloka ng netizens!

Aniya, "Motivational Rice! Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma-afford mo. This is not to discriminate pero ito ay simbolo ng mga taong lumalaban at hindi sumusuko sa buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"So, ilang kanin ang kaya mong bilhin?," hamon pa ni Rendon sa netizens.

Ayon pa sa socmed personality, ito ay "wake up call" sa netizens na itaas nila ang standards sa buhay.

"Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka na lang ng mga excuses sa buhay at isisi sa ibang tao ang failure mo.

Gusto ninyo isinusubo na lang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw. Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION 'yan! #StayMotivated," pangmomotivate ni Rendon.

Hati naman ang naging reaksiyon ng netizens sa opinyon ni Rendon, pero karamihan ay negatibong komento.

Narito ang sey ng netizens:

"I used to admire you but now parang nagiging comedy na lang. Magkaiba yung nagmomotivate sa nanglalamang ng kapwa."

"Magdala na lang ng rice cooker para ulam na lang bilihin, makamura sa kanin dahil ang isang daan isang takal, dalawang kilong bigas na 'yon hahaha."

"100 grabe yung rice mo. Mukha pang malata yang motivational rice mo. Kaya pala nalugi agad ang restobar mo sa mahal ng presyo. Yung standard or target market mo kasi pang milyonaryong tao. Mas maganda pa rin yung kahit maliit ang income na pumapasok sure na pinaghirapan at pinagsikapan mo."

"Steamed rice with pandan isang cup 100 pesos ang presyo, magsaing na lang ako ng isang kilong bigas at lagyan ko ng pandan para makakain buong pamilya ko."