Viral sa isang public group sa Facebook ang pagbati ng netizens sa online personality na si Donnalyn Bartolome kasunod ng pagtatapos ng buwan ng Marso. Anong award naman ba ang natanggap ng kontrobersyal na personalidad?

Paandar ng isang member ng Long Live Volunteers noong Biyernes, Marso 31 ang pagkilala kay Donnalyn “for passing the March 2023 No Isse Challenge.” Havey daw sey ng kapwa members!

Umabot na sa mahigit 20,000 reaction at kadalasa’y pagtawa ng netizens sa post at anila’y “proud moment” para sa online star.

Hirit na biro ng isa pang miyembro, “Nag-fasting siguro after daw ng Holy Week siya babawi.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“The world is healing!”

“Haveey!”

Nag-STFU [shut the f**ck up] challenge na po kasi siya.”

Tila na-stress naman ang iba sa noo’y post na ibinahagi ilang oras pa bago magtapos ang huling araw ng buwan.

“Baka may last minute pa!”

“’Di mo sure, malay mo mag-trending ‘yan mamaya!”

Habang ang ilan ay pawang pagbati ang hatid para kay Donnalyn.

“Congrats, be!”

“Go girl!”

Matatandaan ang naging kontrobersyal na motivational post ng online personality pagpasok ng 2023 na sa halip ay pinutakte at binatikos pa ng marami.

Basahin: Janina Vela, nag-react sa naging pahayag ni Donnalyn Bartolome: ‘Valid mapagod at malungkot’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: ‘Bakit ka sad?’ Back to work na si Maris Racal, biniro ng netizens dahil kay Donnalyn Bartolome – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Pagkalipas ng isang buwan ay nasundan pa ito ng agaw-atensyong post kaugnay ng pagbubuntis ng isang babae na binigyan ng online personality ng sariling konteksto.

Basahin: Donnalyn Bartolome, sana mabuntis na raw ng kelot na may utak, sey ni Rendon Labador – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, wala namang reaksyon si Donnalyn sa viral at month-ender na pakulo ng netizens ukol sa kaniya.