Patuloy na nagkakaloob ang Department of Health (DOH) - Ilocos Region ng mga medical equipment sa mga public health facilities sa kanilang nasasakupan upang magamit sa paghahatid ng de kalidad at cost-effective treatment sa mga mamamayan.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, nabatid na mismong si Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang nanguna sa isang simpleng turn-over ceremony na idinaos sa provincial capitol complex ng Pangasinan noong Marso 27.

“The quality and safety of health services delivered are fundamental to improving the population’s health, that is why we are determined to improve public health systems and sustain this progress in order to cope with the constant demand for better health and also to realize the vision of better health through Universal Health Care,” ayon pa kay Sydiongco.

“Equipment efficiency provides high-quality patient care and also saves cost. We are providing high-quality care using fewer resources but this doesn’t compromise the quality of care given to patients,” dagdag paniya. “We have to give our health facilities quality medical equipment to ensure strong and consistent workflow. We don’t want delays to happen during essential procedures because it can have serious consequences. A machine that breaks down or works inaccurately can cause a life-and-death situation.”

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Nabatid na kabilang sa mga itinurn-over ng regional office ay dalawang units ng ECG machines na may analyzers, isang unit ng ventilator, isang set ng laryngoscopes, at isang unit ng automatic external defibrillator na nagkakahalaga ng ₱1,752,829.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Pangasinan Governor Ramon V. Guico III sa DOH dahil sa ipinagkaloob na kagamitan at tiniyak na pangangalagaan nila ang mga ito upang mas maraming tao ang mapagsilbihan sa matagal na panahon.

“We thank the DOH – Ilocos Region for this donation, this will be of great help for the improvement of productivity of our hospital,” aniya.