Isang kalahok ang nasawi habang ginaganap ang Ironman 70.3 race sa Azuela Cove, Davao City, pagkumpirma ng event organizer nitong Linggo ng gabi, Marso 26.

Sa Facebook post ng organizer na Alveo Ironman 70.3, kinailangan umanong itakbo ang nasabing kalahok sa ospital habang ginaganap ang swimming portion ng karera.

“We are deeply saddened to confirm the death of a race participant at IRONMAN 70.3 Davao,” pahayag nito. “The athlete required medical attention during the swim portion of the race and was transported to a nearby hospital where they were treated.”

“Our condolences go out to the athlete’s family and friends, whom we will continue to support,” saad pa ng Alveo Ironman 70.3.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang nasabing Ironman 70.3, na binubuo ng 1.9 km-swim, 90 km-bike, at 21 km-run, ay nilahukan umano ng halos 1,700 mga atleta mula sa 46 iba’t ibang mga bansa.