Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondong aabot sa₱419,690,970 para sa sahod ng mga registration officer na kinuha bilang contract of service workers (COSW) para sa implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys).
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office nitong Marso 23 ng gabi, tugon ito ng DBM sa kahilingan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Central Office nitong Marso 7 para sa karagdagang cash allocation na para sa suweldo ng mga COSW para sa unang tatlong buwan (Enero hanggang Marso) ng 2023.
"We give prime importance to the timely release of salaries of government personnel. Alam po natin na mahalaga ito sa buhay ng ating mga public servants, gayundin ng kanilang pamilya," ayon kaya DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Nilinaw pa ni Pangandaman na suporta ng DBM ang implementasyon ng National ID system kaya kaagad nilang inilabas ang pondong laan sa suweldo ng mga COSW.