Usap-usapan ngayon ang life update ng ex-husband ni Maxene Magalona na si "Rob Mananquil" na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story.

Kuwento ni Rob, tatlong buwan siyang nanatili sa bahay ng mga magulang simula pa noong Pasko, nakaraang taon, Nais umanong bumawi ni Rob sa kaniyang pamilya, matapos na hindi makapasyal sa kanila dulot ng pandemya.

Nang umuwi na raw si Rob sa kaniyang sariling bahay, nagulat siya sa kaniyang nakita. Nagkalat sa loob ng bahay, may mga gamit daw siyang nawawala, at higit sa lahat, may mga droga pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa IG ni Rob Mananquil

Nangako si Rob na magbibigay siya ng update.

Tanong naman ng mga netizen, sino raw ba ang may access sa kaniyang sariling bahay?

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"I'm pretty sure he has cctv, so good luck finding the culprit."

"Sino ang culprit? Naku, popcorn please!"

"Di ba nag-post si ex wifey na nag-pack ng things niya para mag move-out. Ang linis nga puro boxes. May insider siguro dyan."

Wala pang panibagong update si Rob tungkol dito.