Ipinanukala ng isang senador sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang tulong pinansyal na ₱1 per kilowatt hour (kWh) para sa mga low-income consumer o kabuuang ₱418 milyon na huhugutin sa general appropriations fund.

Sa bisa ng Lifeline Rate Extension Act, ang isang “lifeliner” sa Metro Manila ay nakatipid ng humigit-kumulang ₱194.36 noong Pebrero ng nakaraang taon at tumaas pa sa ₱223.34 noong Pebrero ngayong taon, o pagtaas ng 14.91 porsyento kasunod ng mataas na inflation rate.

Pagdidiin ng senador na si Sherwin Gatchalian, ang natipid ay katumbas ng 5.6 kilo ng bigas batay sa presyo ng retail price ng regular-milled rice na naglalaro sa ₱39.195 kada kilo, ayon na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Gayunpaman, sa karagdagang ₱1/kWh mula sa gobyerno, mas malaki pa ang matitipid ng mga lifeline consumer o humigit kumulang ₱296.67 kada buwan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Makakabili na aniya ito ng 7.5 kilo ng bigas para sa isang pamilya.