Agad na isinara ng South Korean music label na YG Entertainment ang aplikasyon para sa audition nito sa Maynila dahil sa mataas na bilang ng mga aspiring K-pop trainee.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng dapat ay magsasara ang aplikasyon hanggang Abril 9 ngunit dahil sa nasabing dahilan, agad namang isinara ito kahit Marso pa lamang.

"This is the inaugural audition for YG in Manila, and we would like to meet all interested applicants. Unfortunately, due to an exceedingly high number of applicants, we must close the pre-application submission period earlier than expected," pahayag ng YG.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi na rin tatanggap ng walk-in applicants ang kompanya sa araw ng audition.

Naghahanap ang YG ng mga Filipino talents na ipinanganak sa pagitan ng 2004 at 2012.

Bukod sa Blackpink, namamahala din ang YG ng iba pang nangungunang K-pop acts kabilang ang Big Bang, Winner, AKMU, at Treasure.