Inilabas ng Social Weather Station (SWS) na 48% umano ng mga Pinoy na nasa tamang edad ang naniniwalang bubuti ang lagay ng ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, lumabas din na 9% ng mga Pinoy ang nagsabing sasama ito, habang 33% ang naniniwalang walang magbabago sa lagay ng ekonomiya ng bansa.

“The resulting Net Economic Optimism score (% Economic Optimists minus % Economic Pessimists) is +40, classified by SWS as excellent (+40 and up),” anang SWS.

Ayon sa SWS, ang nasabing ‘Economic Optimists’ ay ang mga naniniwalang bubuti ang lagay ng ekonomiya hanbang ‘Economic Pessimists’ ay naniniwalang sasama ito sa susunod na 12 buwan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bumaba naman umano ang pinakabagong Net Economic Optimism score nang isang puntos kumpara sa excellent +41 datos ng Oktubre 2022.

Nagkaroon naman ng pinakamataas na Net Economic Optimism nitong Disyembre 2022 sa Metro Manila (+47). Sinundan ito ng Mindanao (+45), Balance Luzon o mga probinsya sa Luzon na nasa labas ng Metro Manila (+40), at Visayas (+27).