Para sa maraming fans na kinilig at naiyak sa matagumpay na “Hello, Love, Goodbye” noong 2019, panahon na anila para sa ikawalang bahagi ng kuwento nina “Ethan” at “Joy” makalipas ang ilang taon.

Napa-throwback ang Star Cinema sa isang social media platform kasunod ng pinag-usapang rebelasyon kamakailan ni Liza Soberano na hindi sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang orihinal na cast ng proyekto.

Basahin: Karakter ni Kathryn Bernardo sa HLG, trending dahil sa rebelasyon ni Liza Soberano – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang treding topic sa Twitter ang karakter ni Kathryn na pinalagan ng masugid na fans at anila’y laan para sa aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa Tiktok kamakailan, isang iconic scene nina Ethan (Alden) at Joy (Kathryn) ang ibinalik ng Star Cinema.

As usual, pawang papuri lang ang inani ng dalawang cast lalo na sa mahusay anilang pagganap ni Kathryn.

“AMININ NIYOOO MAY TIMES NA HABANG PINAPANOOD NATIN ANG HELLO LOVE GOODBYE NUNG KASAGSAGAN PA NITO EH HINDI NATIN NAISIP NA MAY DANIEL NA SI KATH, 😭😭” komento ng isang netizen sa naging husay ng aktres sa proyekto.

“maybe she's not the 1st choice but she's the best choice for that role❤️,” segunda ng isa pa.

“pag si kath talaga ang umacting madadala ka sa iyak! 😭😭😭”

“The Queen Kathryn!”

“galing nga ng dlawang to s role. so dserve nila gumanap dton!”

“Ehto yung scene na makapit na maubis tissue ko kakaiyak, lalo na yung ending.”

“I’m really proud that i watched this on cinema!! and dzai, di ako naka move on sa kanilang dalawa. Sobrang galing!! 💯”

Hirit na rin nila, panahon na para sa ikalawang bahagi ng blockbuster film.

“wala bang continuation na movie to?🥰” tanong ng isang netizen.

“n ag aabang nang session 2 hahaha😅🥰” segunda ng isa pa.

“WE NEED PART 2 🥲!”

“sana may part 2 nag expect kmi lahat ano bang ngyari kay joy at ethan please gawa na po kayo part2!” pakiusap na ng isang fan sa Star Cinema.

“grabi iyak ko sa movie nato sana my part 2😌!”

“we really need a sequel... haist...”

“..we need part2. we need to know what happen to ethan & joy during separate ways and lives.🤔🥰”

“Part 2 please. bigyan nyo ng sequel!”

Matapos ang limang taon, ang pelikula ang nananatili pa ring top-grossing film sa kasaysayan ng bansa.

Noong 2020, una nang natanong ang Kapuso aktor kaugnay ng potensyal na sequel sa kuwento nina Ethan at Joy.

“With regards to ‘Hello, Love, Goodbye Part 2,’ we’re waiting pa rin po. Siyempre Star Cinema will decide if they want to produce another movie. I also have to ask my mother network, GMA, kung papayagan ba nila ako to do it,” saad noon ni Alden.

Ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang nagdirehe ng “Hello, Love, Goodbye.”