PAMPANGA -- Ipinag-utos ni Gov. Dennis G. Pineda ang pagsuspinde ng face-to-face na klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigang ito mula Marso 6-8, 2023.

Sa ilalim ng Executive Order No. 3-23, hinihikayat ni Gov Pineda ang modular o online classes sa nasabing panahon habang umiiral ang nationwide transport stirke.

Executive Order No. 3-23

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Una rito, nag-anunsyo ang iba't ibang transport group ng isang nationwide transport strike sa loob ng isang linggo. Simula Marso 6, ito ay bilang protesta sa LTFRB MC No. 2023-013.

Sinabi ni Gov Pineda na ang napipintong nationwide transport strike, dahilan upang magpatibay sila ng contingency measures upang maibsan ang kalagayan ng malaking bilang ng mga estudyanteng commuters na maaapektuhan.

" In order to avoid disruption in the academic calendar, public and private schools are hereby encouraged to implement modular and/or online classes during the said period," anang nakasaad sa EO.