Ipinagtanggol ng ama ni Hope "Liza" Soberano ang anak laban sa bashers at detractors na kumukuyog ngayon sa kaniya, matapos niyang ilabas ang vlog na "This is Me," na nagpapaliwanag sa desisyon niyang tahakin ang direksyon ng kaniyang career na malayo sa mga nakasanayan niya, pagtalikod sa dating manager, talent agency, at home network na naglaan ng oras at effort upang sumikat siya.
Ayon sa mga netizen, tila "ungrateful" kasi ang tono ni Liza matapos niyang amining tila "nakahon" siya sa kaniyang 13 taon sa showbiz; tatlong direktor, isang main co-star, at pare-parehong genres umano ang ginawa niya sa pelikula at teleserye.
Ni ang screen name na "Liza" raw ay hindi naman siya ang pumili. Sa rebelasyon ni Ogie, ang nagbigay sa kaniya ng screen name ay si Malou Santos ng Star Cinema, ang movie outfit na sister company ng ABS-CBN.
Pakiramdam daw niya ay isa siyang "bulaklak" lamang na ipinakikita lamang ang kaniyang ganda subalit naka-stock lamang sa isang lugar.
Sa panayam ng showbiz reporter na si MJ Marfori, sinabi ng ama ni Liza na suriin at unawain sanang mabuti ng mga tao ang naging mga pahayag ng anak sa kaniyang vlog.
Masyado lamang daw pinalaki ng mga tao at ginawa itong isyu.
“Everybody blow everything out of proportion so sometimes you have to sit back relax and rewatch what she said and really understand what she's saying," aniya.
Anyway, maging si King of Talk Boy Abunda ay nagbigay ng kaniyang saloobin hinggil sa pinag-usapang vlog ni Liza.