Walang pag-aalinlangan na binura ni BTS member Jungkook ang kaniyang Instagram account kamakailan kahit na nasa mahigit 50 million na ang followers nito.

Ito ang paglilinaw na ng South Korean pop star sa isang ulat ng Korean entertainment Allkpop matapos unang maghinala ang fans na na-hack daw ang naturang account ng BTS member.

“I quit Insta[gram], I wasn’t hacked :) I didn’t use it so I just deleted it, don’t worry!!!” ani Jungkook sa isang pahayag.

Dagdag niya, sa sikat na Weverse na matutunghayan ng fans sa future interactions niya online.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“I deleted the app right away and I don’t think I’ll be using it in the future! Just a heads up!!! ㅎ.ㅎ”” aniya pa.

Nasa mahigit 50 milion followers na ang K-pop star sa nasabing social media platform.

Matatandaang noong 2021 lang nagkaroon ng kaniya-kaniyang IG accounts at pasabugin ng pitong miyembro ng K-pop powerhouse BTS ang internet dahil dito.

Basahin: Instagram following ni Kim Taehyung ng BTS, binasag ang 2 Guinness World Records – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang hiwalay na ulat pa, isang supalpal umano ang walang kaabug-abog na pagbura ni Jungkook ng kaniyang Instagram account sa mga nagsasabing binibili ng BTS ang milyun-milyong followers dahilan ng paglobo nito sa maikling panahon lang.

“Usually, celebrities care a lot about their number of followers and likes. Just like the anonymous posts slandering about how much BTS needs popularity on Instagram, but Jungkook proved to haters that it may be true for others but not for him and BTS. He deleted his Instagram posts several times with millions of likes, deactivated 50-million-follower accounts and removed apps that he himself found uninteresting. He does it without hesitation, impartially and according to what he wants,” paglalarawan ng ulat.