Bagaman tila disido ngang sundan ni Liza Soberano ang kaniyang Hollywood dream sa Amerika, nalulungkot ang dating manager nito sa kasalukuyang estado kaniyang career.

Basahin: Ogie Diaz, Boy Abunda, rambol ang opinyon kaugnay ng online ‘rebranding’ ni Liza Soberano – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ako lang nanghihinayang Loi kasi syempre nanghihinayang ako sa career ni Liza. Kasi andun siya eh. Andun na siya.  Tapos syempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ng ano nang ginagawa na niya sa sarili niya,” ani Ogie na aniya’y nakatatanggap nga ng parehong mga tanong dahil sa kapansin-pansing pagbabago sa direksyon na tinatahak ni Liza.

Basahin: Ogie Diaz, Boy Abunda, rambol ang opinyon kaugnay ng online ‘rebranding’ ni Liza Soberano – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Vice Ganda sa MU presentation: 'Lasing at puyat lang ba ko o talagang panget?'

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Careless ni James Reid si Liza.

“Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza? Yung mga ganun,” pagpapatuloy na hirit ng talent manager sa umano'y hinaing ng fans.

Basahin: Liza Soberano, hinarana ni K-pop star Henry Lau; netizens, pinauuwi na ang aktres sa Pinas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Pinakyaw na! Kapwa celebs, napa-wow, naiyak sa larawan ni Liza kasama si BLACKPINK Jennie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod na pag-amin ni Ogie, nanghihinayang aniya siya sa pinaghirapang pundasyon ng aktres sa showbiz. “Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito kung nasaan siya nandun,” aniya.

Napansin din ng manager ang “di na madalas” na commercials ni Liza na teyorya niya’y dahil nakabase na ang aktres sa  Amerika at wala nang ganoong appearance sa local entertainment scene.

Nanatiling US citizen si Liza, sey ni Ogie.

“Gusto ko na lang unawain si Liza kung ano ang gusto niya, kung ano ang makakapagpasaya sa kaniya. Pero syempre nanghhinayang ako dun sa mga nakakawalang proyekto kay Liza,” pagpapatuloy ni Ogie.

Dagdag niya, hindi rin umano nagkulang ang ABS-CBN para hainan ng potensyal na proyekto si Liza kasama ang real-life at onscreen partner na si Enrique Gil.

Aniya pa, puro lang daw amba at kalauna’y hindi aprubado sa loveteam ang mga materyal.

Ispluk pa ng talent manager, mayroon din daw offer sa power couple ang ABS-CBN noon na local adaptation ng hit Korean drama na “It’s Okay Not to Be Okay.”

“Hindi rin pinalad ang ABS-CBN na gawin ng Lizquen kasi tumanggi sila,” aniya.

Dagdag niya, kahit na binitawan na siya ni Liza ay dumating umano siya puntong siya pa rin ang naghikayat sa aktres na kunin na ang proyekto.

Gayunpaman, kinikilala naman ng talent manager ang sarili pa ring pasya ng aktres sa kaniyang career.

“Maraming nanghihinayang kasi may asim pa si Liza. Kaya pa rin niyang bumalik kung gugustuhin niya,” hirit lang muli ni Ogie bagaman bukas aniya ang ABS-CBN para tanggapin siya nito, bagay na ikatutuwa rin ni Ogie, aniya.

Sa puntong ‘yun, ang importante umano’y excited muli siya at na-miss niya ang local showbizast, ani Ogie.