Inanunsyo ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Diorella “Lala” Sotto nitong Huwebes, Pebrero 23, na nagpadala ng sulat ang mga distributor ng United States movie na 'Plane' na nagsasabing boluntaryo nilang pinu-pull out ang naturang pelikula sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Sotto, natanggap daw niya ang nasabing sulat noong Martes, Pebrero 21.

“The particular film is not going to be exhibited because the distributor, as mentioned, voluntarily pulled out the material already from the cinemas,” ani Sotto.

Matatandaang binanggit kamakailan ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na pinangakuan siya ng MTRCB na pagbabawalan nitong ipalabas sa bansa ang nasabing pelikula na nagpapasama umano sa imahen ng bansa.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Pinangako po nila na kanila pong tinawag kaagad ng pansin ‘yung distributor [ng pelikula],” ani Padilla. “Kinausap po nila ang distributor. At ngayon, ang gusto natin masulatan natin ang mismong producer.”

“Katatapos lamang po ng pandemic, binubuksan pa lamang po natin ang ating turismo, [tapos] ito, merong pelikula na nagsasabi na dito sa Pilipinas ay walang law and order. Ang nasusunod dito sa Pilipinas, sa Jolo, ay mga rebelde at mga terorista. At ang ating kasundaluhan ay nagtatago, bahag ang mga buntot, eh pangit po ito,” dagadag nito.

BASAHIN: MTRCB, nangakong pagbabawalang ipalabas ang ‘Plane’ sa Pilipinas – Sen. Robin

Kinondena naman ng Directors’ Guild of the Philippines (DGPI) noong Pebrero 19 ang pahayag ni Padilla at sinabing nararapat na malayang pagpili ang manatili sa publiko, at hindi raw ang utos ng mga pulitiko.

“To outrightly ban the film, especially one already approved the MTRCB, is a cure much worse that the illness itself, injurious to free expression and sets a precedent for films to be held hostage by imagined slights to our country’s reputation,” anang DGPI.

“If the state can tolerate free expressions for trolls, fake news, and historical revisionism without worrying about their effect on the country’s prestige, then the state can do the same for a work that members of the foreign press have regarded as mindless B-movie entertainment rather than a reliable commentary on our country’s affairs,” dagdag nito.

BASAHIN: Mga direktor sa PH, tutol sa planong pag-ban sa Hollywood movie na ‘Plane’ sa bansa