Nanawagan ng suporta si Manila Mayor Honey Lacuna nitong Linggo, Peb. 19, sa lahat ng residente ng Maynila para sa kanilang pagpaparehistro sa PhilHealth, alinsunod sa Universal Health Care Law.    

"Lahat ng benepisyo ng Philhealth, maibibigay sa inyo kung registered na po kayo," ayon pa kay Lacuna.    

Kasabay nito, hinikayat rin ni Lacuna sa mga rehistrado na kumbinsihin ang mga miyembro ng kanilang pamilya, kamag-anak at kapitbahay na magparehistro na sa PhilHealth.    

Inatasan rin ng alkalde ang lahat ng health centers sa Maynila na tulungan ang mga residente sa kanilang PhilHealth registration.    

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nabatid na ang panawagan ay ginawa ng alkalde kasunod ng malawakan at sabayang citywide Philhealth registration sa 44 health centers ng Maynila sa lahat ng anim na distrito.

Nagsimula na ito noong Biyernes, Pebrero 17, sa ilalim ng superbisyon ng Manila Health Department sa pamumuno ng hepe nitong si  Dr. Arnold 'Poks' Pangan.    

Target ng city government na maka-accommodate ng 300 indibidwal araw-araw kada health center.     

Nabatid sa PhilHealth na may tinatayang 300,000 ang mairerehistro sa Maynila.