Nasamsam ng gobyerno ang tinatayang aabot sa ₱90 milyong halaga ng smuggled na asukal at sibuyas na galing sa China sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Maynila nitong Biyernes.
Nadiskubre ang puslit na asukal at sigarilyo matapos isailalim sa physical examination ang limang container van na dumating sa bansa pagitan ng Enero 5 at Pebrero 12, 2023, ayon sa Facebook post ng BOC.
“These contrabands threaten the economy and put Filipino consumers at risk. I’d like to assure everyone that we are equally relentless in our efforts to keep our borders secure from these smuggling activities,” ayon naman sa pahayag ni Commissioner Rubio.
Paliwanag ng ahensya, matagal na silang naging aktibo sa pagbabantay ng mga kargamentong ipinapasok sa bansa dahil sa posibilidad na naglalaman ng mga iligal na produkto.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau's Action Team Against Smugglers (BATAS) upang matukoy at mapanagot ang nasa likod ng nasabing pagpupuslit.