Magbubunga na ang mga nilagdaang kasunduan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa mga biyahe nito sa iba't ibang bansa.

Ito ang sinabi ng Pangulo matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) at Office of the Presidential Assistant on Investment and Economic Affairs.

Aniya, sinimulan nang himayin ang mga detalye ng lahat ng memorandum of agreements at letters of intent na pinirmahan sa iba't ibang bansa.

Partikular na tinukoy ng punong ehekutibo ay ang kasunduan nito sa Indonesia at Singapore.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Posible rin aniyangsimulan sa susunod na linggo ang inauguration ng mga proyektong ito na hindi pa naman tinutukoy.

Sinabi naman ni DTI Secretary Alfredo Pascual, nasa 116 na proyekto na nagkakahalaga ng P3.48 trilyon ang nalikom ng Pangulo mula sa mga biyahe nito sa iba't ibang bansa.

Sa pinakahuling biyahe ni Marcos sa Japan nitong nakalipas na linggo, nakakuha ito ngUS$13 bilyong investment.