Camp Melchor F. Dela Cruz, Gamu, Isabela -- Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto ng pulisya ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camp Melchor F. Dela Cruz Hospital nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Kinilala ang akusado na si Yusia Orion o alyas "Brown."

Nahaharap si Orion sa 3 counts of attempted murder na may criminal case number na 9272, 9273, at 9274 na inisyu ni Judge Isaac De Alban ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 16, Ilagan City, Isabela.

Pinapayagan naman itong magpiyansa ng P120,000 para sa pansamantalang paglaya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Si alyas Brown ay dating miyembro ng Kabataan Makabayan, isang underground organization, habang nag-aaral sa isang unibersidad sa Maynila. Naging regular na miyembro siya sa Benito Tesorio Command noong 2015 sa probinsya ng Isabela, ayon sa ulat.

Noong 2018, itinalaga siya bilang squad leader ng Komiteng Larangan Guerilla Quirino-Nueva Vizcaya at naging secretary ng Regional Sentro De Gravidad (RSDG), Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley hanggang sa ito'y mabuwag noong 2022.

Inabandona si alias Brown ng kaniyang mga kasamahan matapos ang sagupaan sa Baggao, Cagayan. 

Sa imbestigasyon, lumabas na mayroon itong warrant of arrest na inisyu noong Hunyo 5, 2022.

Kasalukuyang nasa ospital ang suspek para sa kaniyang pagpapagaling.