Tawang-tawa ang mga netizen sa throwback photo ni Tyang Amy Perez sa tinaguriang "on-air barangay hall" na "Face to Face" na hinihiritan ng mga netizen na sana raw ay magkaroon ng celebrity edition dahil sa dami ng mga artista at social media personalities na nag-aaway-away at nagpupukulan ngayon ng putik sa social media.

Makikita ang request sa Facebook page na "Philippines Best."

"Sa dami ng mga artistang nag-aaway away ngayon, sana ibalik na ang FACE TO FACE, tapos gawing 'Celebrity Edition'," ayon sa caption.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Screengrab mula sa FB page na Philippines Best

Tila sang-ayon naman dito ang mga netizen.

"Tyang Amy Perez Castillo, beke nemen."

"Nice concept! Hahaha."

"Revillame vs Fermin and Ogie Diaz sana na episode."

"Baka mawalan ng trabaho si Tulfo niyan haha."

Matatandaang umere ang Face to Face hosted by Tyang Amy Perez-Castillo sa TV5 noong 2010.

Nang mabuntis at manganak si Tyang Amy ay humalili sa kaniya si "Ateng" Gelli De Belen.

Nakakaloka ang palabas na ito dahil kakaiba at "out of this world" ang mga problemang idinudulog na problema ng mga nagrereklamo at inirereklamo, na minsan ay umaabot pa sa pisikalan at murahan, na inaawat naman ng dalawang bouncers na sina B1 at B2. Ang co-host naman na si Hans Mortel ang kumukuha sa pulso ng live audience kung kaninong panig sila kumakampi: sa pula, o sa puti.

Sa bandang dulo, nakaantabay ang "Trio Tagapayo" sa dalawang partido upang masolusyunan ang problema. Binubuo sila ng isang abogado, isang psychologist, at isang pari upang magbigay ng legal, sikolohikal, at ispiritwal na payo sa dalawang partido upang matuldukan at mapag-ayos sila.