Kinubra na ng isang babaeng senior citizen ang napanalunang jackpot na ₱35.3 milyon sa isinagawang Lotto 6/42 draw nitong Enero 17, 2023.

Sinabi ng PCSO nitong Martes na personal na nagpunta sa kanilang main office sa Mandaluyong City ang 63-anyos na solo winner na taga-Davao del Sur at tinanggap ang premyong ₱35,314,806.60 para sa winning combination na 34-24-02-06-33-07.

Ang naturang mananaya ay umaasa lamang umano sa buwanang pensyon ng namayapang asawa para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

“Ngayon ko lamang po tinaayan ang kumbinasyong ng mga numero na ito," sabi ng bagong multi-millionaire sa panayam ng PCSO.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

“Ako po ay nagpapasalamat una sa Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa akin at sa aking buong pamilya. Sa PCSO, maraming salamat at sana po ay marami pa kayong matulungang mga tao na umaasa sa inyo, maraming salamat po," dagdag pa ng winner.,

Isang lector commentator sa simbahan ang nasabing mananaya at madalas umanong magdasal upang manalo, ayon pa sa PCSO.

Luisa Cabato at Mary Ann Santiago