Pinag-aaralan pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang petisyong magkaroon ng ₱100 dagdag na suweldo ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Ito ang isinapubliko ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa isang panayam sa radyo nitong Sabado.

Patuloy aniyang nagsasagawa ng konsultasyon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board kaugnay ng iniharap na petisyon ng mga grupo ng manggagawa noong Disyembre.

Hihimayin aniya ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga manggagawa at employer bago nila desisyunan ang usapin.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Isa aniya sa idinahilan ng mga manggagawa ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

Kamakailan, nanawagan sa mga kongresista ang Partido Manggagawa (PM) bumalangkas ng special legislation na tumitiyak sa pantay na taas-suweldo sa lahat ng rehiyon sa bansa.