Sinimulan na ng inter-agency response team ng Pilipinas nitong Biyernes, Pebrero 10, ang kanilang paghahanap at pag-rescue ng survivors sa katimugan ng Adiyaman, Turkey matapos ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, Office of Civil Defense (OCD) Administrator, umalis sa Adana Airport ang Philippine inter-agency contingent dakong 3:35 ng madaling araw upang simulan ang kanilang misyon sa Adiyaman.

“Our team in Turkiye is well coordinated with the Turkish government and with our embassy officials,” ani Nepomuceno. “This strong coordination facilitated the smooth arrival and operations in the designated area in Turkiye, thereby ensuring the adherence to international standards.”

Binubuo ng 82 miyembro na galing sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nasabing rescue team ng bansa. Ang 12 miyembro nito ay galing sa 505th Search and Rescue Group of the Philippine Air Force (PAF); 21 ang mula sa 525th Engineering Combat Battalion of the Philippine Army (PA); 30 ang mula sa Department of Health (DOH); siyam ang galing sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA); walo ang mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA); at dalawa sa kanila ay mula sa Office of Civil Defense (OCD).

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“The Philippine contingent remains dedicated and ready for their mission to help the People of Turkiye and all the victims of this tragic earthquake despite of all the challenges and the harsh and extreme weather they will experience in Turkiye,” saad ni Nepomuceno.

Yumanig nitong Lunes, Pebrero 6, ang nasabing magnitude 7.8 na lindol na kumitil na ng mahigit 21,000 indibidwal kabilang na ang dalawang Pinoy sa Turkey.

Basahin: Dalawang Pinoy sa Turkey, naitalang nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol