Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Turkey nitong Biyernes, Pebrero 10, na dalawang Pinoy ang nasawi sa Antakya district ng probinsya ng Hatay sa Turkey matapos itong yanigin ng magnitude 7.8 na lindol nitong Lunes, Pebrero 6.

Sa pahayag ng embassy, ang nasabing dalawang nasawi umano ay naiulat kamakailan na nawawala sa Antakya.

"The Embassy and Consulate General express their deepest condolences and are in coordination with the victims' families in both the Philippines and in Turkiye,” anito.

Tinitiyak naman umano ng Philippine Embassy sa Turkey na patuloy sila sa pagpapa-abot ng tulong sa mga Pilipino apektado ng lindol.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ayon pa sa embassy, mahigit sampung pamilyang Pilipino na ang nailikas nila mula sa Antakya papuntang Ankara, ang kapital ng Turkey kung saan sila binigyan ng ligtas na masisilungan.

Ang distrito ng Antakya ay isa sa mga pinakatinamaan at naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig nitong Lunes sa dakong 4:17 ng madaling araw.