Bukod sa pagiging content creator sa YouTube, papasukin na rin ni Ogie Diaz ang mundo ng podcast. Aniya, gusto niya raw mag-emote, magbigay ng insight, opinyon, atbp., ngunit nilinaw niyang hindi ito "political."

"Magpo-podcast na ako! Support nyo ko ha? Di pa ba ako napapagod? Eh kung pagod na ba ako, ie-entertain ko ang podcast? Gusto ko lang mag-emote, magbigay ng insight, opinyon, ano ang stand ko to an issue. Hindi ito political ha? Sari-saring isyu tungkol sa pamilya, sa barkada, kung ano’ng uso ngayon, ano yung baduy, ano yung problema ngayon ng lipunan, ng kabataan," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 3.

"Pwedeng kapulutan ng aral, ng wisdom. Malay mo, dito ka magka-idea ng pwede mong maging goal," dagdag pa niya.

Pag-spoil pa niya, mag-iimbita raw siya ng mga artista, kilalang personalidad at maging mga politiko.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

"May mga resource persons tayong bisita. Di naman lahat ng nangyayari sa mundo, alam ko lahat. Magge-guest din ako ng mga celebrities, personalities, pati pulitiko basta wag lang mangangampanya. Siyempre, with wit and humor para hindi bagot o boring. Depende siguro sa guest, i guess? Hahaha!"

Ang naisip naman niyang title ng kaniyang podcast ay "Nakakalokah! Isyu Ba 'Yan?!"

Pinasalamatan ni Diaz ang motivational speaker na si Chinkee Tan sa pag-iintroduce sa kaniya na pumasok na rin sa pagpo-podcast.

"Thank you so much sa nag-introduce sa akin na mag-podcast na, si Chinkee Tan. Na-inspire din ako ni Alex Calleja at siyempre, pinagtiwalaan tayo ng Podcast Network Asia na siyang hahawak ng ating bagong adventure," aniya.

"Na-miss ko kasi ang radyo eh. At least, iba naman ngayon. Yung mga hindi ko nasasabi sa Ogie Diaz Showbiz Update at The Ogie Diaz, eh dito ko na lang ibubuhos. Eto yung pwedeng kumita, pwede rin namang hindi. Basta happy lang ako doing this. For my mental health. And yours na rin.

"Kaya abang-abang lang dahil me formal launching pa atang magaganap. Sana naman, pwede sa launching na yan ang naka-pekpek shorts."