Isinusulong na sa mababang kapulungan ng Kongreso na bigyan ng ₱2,000 kada buwan na subsidiya ang mga magulang ng mga batang may kapansanan o children with disabilities (CWD) sa bansa.

Saklaw ng House Bill 6743 ang CWD na may edad na 21 pababa. Kabilang naghain ng panukalang batas sina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, ACT-CIS Partylist Reps. Edvic Yap at Jeffrey Soriano.

Iminungkahi rin ang paglalaan ng ₱2 bilyon para sa unang taon ng implementasyon ng programa.

Ginamit na dahilan ang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan binanggit na mas mataas ng hanggang 80 porsyento ang CWD kumpara sa mga batang walang kapansanan.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail