Wala umanong kinalaman si Kapamilya TV host-actor Luis Manzano sa anumang anomalyang kinasasangkutan ng "Flex Fuel Petroleum Corporation," batay na rin sa kaniyang abogadong si Atty. Regidor Caringal.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nagpadala na raw ng liham si Manzano sa National Bureau of Investigations o NBI sa pamamagitan ni Atty. Caringal, upang magpatulong na imbestigahan ang naturang kompanyang pinangangasiwaan ng isang Ildefonso "Bong" Medel.

Salaysay umano ng TV host-actor, maging sa kaniya ay may milyones na utang si Medel na kaniyang kasosyo sa negosyo. Lumapit at humingi naman ng saklolo ang mga investor ng kompanya na mabawi ang kanilang ipinamuhunan sa nabanggit na fuel company.

Ayon sa affidavit nu Luis noong Disyembre 21, 2022, siya umano ang itinalaga ni Medel bilang chairman of the board ng mga kompanya nito bilang "one of the guarantees for my investment."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Subalito giit ni Luis, "I never took part in the management of the business."

Dahil dito ay nagbitiw na rin sa kaniyang katungkulan si Luis at lumayo na sa naturang kompanya, lalo't napag-alaman daw niyang maraming inililihim sa kaniya ang kasosyo tungkol sa kompanya.

Sa kasalukuyan daw ay wala pa ring aksyon o tugon si Medel sa panawagan nilang ibalik ang mga perang ininvest nila sa nabanggit na fuel company.